Inaalok ang Korean superstar na si Jo In Sung para bumida sa upcoming film na “Escape”.
Kinumpirma mismo ng agency ni In Sung na IOK Company na pinag-aaralan ng aktor ang offer kung saan magiging direktor si Ryu Seung Wan, na nasa likod ng “The Battleship Island.”
Sakaling tanggapin, ito ang unang pelikula ni In Sung ngayong 2019. Huli siyang napanood sa historical action blockbuster na “The Great Battle.”
Makakasama ni In Sung ang aktor na si Kim Yun Seok.
Nakatakdang umpisahan ang shooting ng “Escape” sa Morocco sa second half ng 2019.
Nakilala nang husto si In Sung sa kanyang pagganap sa Korean drama series na What Happened in Bali (2004), That Winter, The Wind Blows (2013), at It’s Okay, That’s Love (2014).
Bumida rin siya sa mga pelikulang “The Classic” (2003), “A Dirty Carnival” (2006), “A Frozen Flower” (2008) at “The King” (2017).