GMA quiet sa prangkisa ng ABS-CBN

TIKOM ang bibig ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa isyu ng legislative franchise ng ABS-CBN 2.

Sa panayam kay Arroyo sinabi nito na nagtapos na ang sesyon ng 17th Congress kaya imposible na makapagpasa pa ng panukalang batas ang Kongreso.

“I have no comment, Congress is finished, our sessions are over,” ani Arroyo sa panayam matapos ang unveiling ng No. 1 sculpture ng Visual Olympian na si Joe Datuin.

Noong 2016 inihain ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago ang panukala na palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN pero hindi ito naipasa ng House committee on legislative franchise hanggang sa magsara ang sesyon noong Hunyo 4.

Hanggang sa Marso 20, 2020 na lamang ang prangkisa ng ABS-CBN 2.

Matatandaan na tinuligsa ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN 2 matapos na hindi umano ipalabas ang isa nitong advertisement noong kampanya ng 2016.

Read more...