Miss U PH Gazini Ganados hinahanap ang amang Palestinian
ISA sa mga ipinagdarasal ng newly-crowned Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Ganados ay ang makita at makilala ang kanyang tunay na ama.
Pinay ang kanyang nanay habang ang tatay naman niya ay isang Palestinian na hindi pa niya nakikita hanggang ngayon, kaya naman ang isa sa mga wish niya ay ang makilala ito balang-araw para mapasalamatan niya.
“Still hoping to meet him someday. I’m in no rush of meeting him. But someday, finally, I hope I will have the time to complete myself, my soul, and to thank him for the genes,” pahayag ni Gazini sa isang panayam.
Aminado ang dalagang Cebuana na until now ay hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang magre-represent sa bansa para sa 2019 Miss Universe.
“It has always been my dream to be Miss Universe Philippines and you can reach your dream talaga. Parang sobrang saya. Si Lord talagang binigyan Niya ako ng pagkakataon,” sabi ni Gazini sa interview ng ABS-CBN.
Kuwento pa ng beauty queen, talagang halos maiyak siya nang makita at marinig ang sigawan ng mga tao nang tawagin ang pangalan niya bilang bagong Miss Universe PH. Aniya, kaunti lang ang supporters niya na nasa Araneta Coliseum kung saan ginanap ang grand coronation night.
“Nagulat din ako. There were people na nagbi-video na parang, while the coronation was happening, merong mga nagtatalunan, naghihiyawan, yung mga gumugulong. So, nakakatuwa. So thank you for the support, I really felt heartfelt yung love.
“Konti lang yung supporters ko na pumunta. Nasa gen ad (general admission) pa sila. Wow, almost all of the people were cheering for me,” aniya pa.
First time sumali si Gazini sa Binibining Pilipinas at nakuha niya agad ang inaasam na korona. Sumali rin siya noon sa Miss World Philippines (2014), kung saan nakapasok siya sa Top 15.
Tungkol naman sa pagtawag sa kanya ng “most bashed beauty queen” sa online world, ito ang reaksyon ng dalaga, “May nabasa akong vlog, na I’m the most bashed beauty queen.
“Sabi ko, parang hindi naman, kasi hindi ako nagbabasa, e. To my bashers, wala lang, thank you that you’re there.
“Because of you, hindi rin ako magiging motivated ayusin ang Q and A ko, kasi that’s their concerns for me nga—not well-articulated, yung hindi nakakasagot. I hope maging friends tayo kasi this is for the Philippines and I hope respect begets respect.
“For as long you have the heart, it doesn’t matter of how you’re brought up,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.