Jammers di kayang guluhin ang eleksyon, pero…

ni Lito Bautista, Executive Editor

NANANAKOT ba ang Commission on Elections nang ihayag nila na may 5,000 units ng cell phone jammers ang nakapasok sa bansa?
Sa pahayag ng Comelec, parang ngayon lang nagkaroon ng cell phone jammers na maaaring gamitin para hindi makapag-transmit ng resulta ng halalan.  Dahil kayang barahin ng jammer ang ipadadalang resulta mula sa mga presinto patungo sa main office nito.
Matagal nang may cell phone jammer sa bansa.  Parang karaniwang cell phone din ito na may antenae.  Ginagamit na ito sa mga sinehan at simbahan para hindi makapag-text o makatawag at di rin makatanggap ng text o tawag ang mga nanonood ng sine o nagsisimba, nang sa gayon ay di magambala ang mga narito.
Ginagamit na rin ito ng intelligence community, pero di natin tiyak kung saan nila ginagamit ito at kung kanino.
Paano kokontrahin ang jammer?  Simple.  Eh di tuntunin ang jammer at i-off ito.
Simpleng problema, huwag palakihin.  Huwag din gawing panakot.

BANDERA, 020110

Read more...