ni Ervin Santiago, Showbiz Editor
At sa kasikatang tinatamasa niya ngayon, nagpapasalamat siya kay Judy Ann Santos, napakalaki raw ng utang na loob niya kay Juday dahil kung hindi raw dahil sa aktres ay wala siya ngayon sa posisyon niya.
Marami pang nai-share sa BANDERA si Derek sa pakikipag-usap natin sa kanya, kabilang na ang kanyang pagiging adik sa pagpapa-facial at kung bakit laging nasa isip niya si Angel Locsin.
BANDERA (B): What do you do kapag wala kang work?
DEREK RAMSAY (DR): Now, it’s either I spend time with my family or I play golf. Golf lang muna ako ngayon, kasi hindi na ako nakakatakbo. Addict ako sa takbo dati, pero hindi ko na nagagawa ngayon.
B: Hindi ka na ba gumigimik dahil sa sobrang kabisihan mo sa trabaho?
DR: Hindi na rin, e. Well, when I was in Cebu last weekend, I was able to relax and unwind and go out sa Sinulog Festival. Medyo nabawasan yung stress while I was there.
B: Kayo ng girlfriend mong si Angelica (Panganiban), paano n’yo ini-spend yung free time n’yo together, knowing na ang busy din niya ngayon?
DR: Kami naman ni Angel, we make sure that were spending our quality time together no matter what. Like today, wala siyang taping tonight (the time of the interview), we’ll go out and watch a movie. Dinner muna kami, siguro.
B: Are you vain? Kasi, ang tingin talaga sa iyo ng mga girls (and gays) sobra kang mag-alaga sa katawan mo, parang kahit pawis ka na, ang bango-bango mo pa rin?
DR: Am I vain? I think everybody’s vain, pero my vanity is, siguro, not the normal one. Ito ha, I’ll tell you this, I cannot go to sleep when I didn’t wash my face. I have to wash my face before going to bed and I have to take shower at least twice a day. Kahit puyat, kahit pagod, naliligo pa rin ako bago matulog.
B: Nagpupunta ka rin ba sa mga skin clinic or spa?
DR: Yeah, nagpapa-facial ako, I’ve recently falling in love with getting facials. Hinahanap-hanap ko na ‘yung sakit nu’ng, parang tinutusok ‘yung face mo. But actually, last year lang ako naka-experience ng facial. I’m not so vain with that aspect. Basta mahugasan ko lang ang mukha ko, ang katawan ko, solved na ako du’n.
B: Ano ang reaction mo sa mga nagsasabing sobrang ganda ng katawan mo?
DR: You know what, nahihiya pa rin ako kapag may mga naririnig akong mga ganyang comments. I don’t know what to say when you other people say things like that. But of course, it’s a nice feeling and I still don’t understand why. It’s just something that I think I’ll never get used to. Just like when I go to the mall and fans are there screaming and trying to get my attention, but masarap yung feeling.
B: Paano mo name-maintain ang ganyang katawan (almost perfect)?
DR: Would you believe, I really don’t go to the gym to make my body look better. Sa sports siguro, kaya ganyan din siya. Ever since I was a little boy, I was exposed to competitive sports kaya naging ganito ako.
B: Three sexiest local female celebrities para sa ‘yo?
DR: Wow! Siyempre, first on my list si Angelica Panganiban. Hahahaha! Then si Angel Locsin, who else…the third one, ahm, wow! Ah, si Kristine Hermosa.
B: Sinu-sino pa ang gusto mong makatrabaho sa mga susunod mong projects?
DR: Kung ako lang, I can work with everybody naman. But to be specific…I really like to work with Angel Locsin. There’s something in her…I don’t know why. Basta siya ‘yung unang pumapasok sa isip ko whenever somebody asks kung sino ang gusto kong makapartner sa next shows ko. I’m intrigued with working with Angel. She has this mysterious personality.
I also want to work with Toni (Gonzaga) again. It’s fun. Magaling si Toni kasi and I know there’s something in her na madadala ka talaga kapag kaeksena mo siya. Nakakatuwa siyang kasama, she’s funny all the time.
B: Umiiyak ka rin ba?
DR: Of course, siyempre, tao din lang naman ako.
B: When was the last time you cried?
DR: Kanina, muntikan na. Pero talagang pinigilan ko lang. I’m a very emotional guy. Hindi ako madaling paiyakin, pero kapag naging emotional na ako, meaning, lumagpas na talaga ako du’n sa limit. When it comes to my family, I cry easily. But let’s say other things in life, kaya kong i-handle ‘yun.
When it comes to tears on screen, hindi ko nga alam kung bakit madali akong umiyak kapag umaarte ako, kahit wala akong iniisip na magpapa-motivate sa akin. Basta I just think of my character, and then that’s it.
B: Parang perfect couple talaga kayo ni Angel, nag-aaway ba kayo?
DR: Oo, pero hindi naman ‘yung away na talagang away. Tampuhan is the right term. Pero ang maganda sa amin, talagang we talk about the problem. Kapag may gusto kaming sabihin sa isa’t isa, sinasabi agad namin, hindi na namin pinatatagal para ma-solve agad ang dapat ma-solve.
Sobrang selosa raw kasi si Angel kaya lagi kayong may tampuhan, at laging girls daw ang pinag-aawayan n’yo? Hindi naman laging girls. Hahahaha! Pero noon, yes, sobrang selosa niya. Pero ngayon, hindi na. Maybe, na-realize niya na she has nothing to be jealous about. Alam naman kasi niya na hindi ako gagawa ng ganu’ng mga bagay. She knows, marami akong female friends, malapit talaga ako sa mga babae, pero hanggang du’n na lang ‘yun, no monkey business.
B: Kung may isang bagay na gusto mong mangyari ngayon, ano ‘yun?
DR: Yung gumaling na itong knee injuries ko. My right knee is in desperate need of a surgery na kasi for an ACL (anterior cruciate ligament) and LCL (lateral collateral ligament). My left leg naman, sa bone has a fracture. So, sana magamot na siya para wala na rin akong iniintindi.
Yes, I know. Matigas din ang ulo ko, ‘yun din minsan ang pinagtatalunan namin ni Angel. Sometimes, I don’t listen to people who care. I just love sports so much that I close my eyes and close my ears and just play. But slowly but surely, natututunan ko na rin na makinig, and realize that if I do this any longer, prolong my injury, it’s gonna get bad.
BANDERA Entertainment, 020110
Naaliw ka ba sa interview kay Derek? Mayroon ka bang gustong maka-one-on-one ng Bandera. Magkomento sa 0929-5466-802 at 0906-2469-969.