5 nalason sa leche puto sa isang resort sa Isabela

LIMA ang nalason at dinala sa ospital matapos kumain ng leche puto na kanilang binili sa isang resort sa Luna, Isabela noong Linggo.

Nakaramdam ang mga biktimang sina Hannah Corpuz, John Lucio Corpuz at Luis Corpuz, at Aletha Agonoy ng matinding pananakit ng tiyan, masakit na ulo at diarrhea matapos na kumain ng leche puto, ayon sa kamag-anak ng mga biktima.

Kumuha na ng sample ang town health office para magsagawa ng pagsusuri.

Read more...