Anak ng mayor dakip sa buy-bust

ARESTADO ang anak ng alkalde ng Gonzaga, Cagayan, nang mahuling nagbebenta ng shabu, sa buy-bust operation sa Tuguegarao City nitong Linggo, ayon sa pulisya.

Nadakip si Jonjie Pentecostes, 44, anak ni Gonzaga Mayor Marilyn Pentecostes, ani Lt. Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Cagayan Valley regional police.

Si Jonjie ay isang high-value target ng pulisya, kabilang sa listahan ng mga drug suspect ng Philippine Drug Enforcement Agency, at kasama sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte, ani Iringan.

Isinagawa ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 2, Cagayan Drug Enforcement Unit, Tuguegarao Police, at intelligence operatives ang buy-bust sa
sabungan sa Zone 1, Brgy. Pengue Ruyu.

Nakuhaan si Jonjie ng isang sachet na may 0.7 gramo o P4,900 halaga ng shabu at dalawang P1,000 papel na ginamit bilang buy-bust money.

Hinahandaan na ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law, ani Iringan.

Read more...