‘Mano po’ scene ni Janine sa ‘Dragon Lady’ patok sa Kapuso viewers

JANINE GUTIERREZ

Painit pa rin nang painit ang mga kaganapan sa laging trending at top-rating afternoon series ng GMA na Dragon Lady na pinagbibidahan ng Kapuos bida-kontrabida na si Janine Gutierrez.

Ngayong nagbabalik na ang mga magulang ni Scarlet na sina Almira (Diana Zubiri) at Bryan (James Blanco), asahan ang mas marami pang pasabog sa mga susunod na episode ng serye.

Kailangan n’yong tutukan kung paano reresbak sina Almira at Bryan kina Vera (Maricar de Mesa) para maghiganti sa kaapihang ginawa nito sa kanila at sa kanilang anak na si Scarlet.

Pero siyempre, hindi naman basta papayag si Vera na maunahan siya ng mag-asawa kaya gagawin niya ang lahat para mahuli si Almira at mailigpit ito sa lalong madaling panahon. Kung ano ang susunod na hakbang ni Almira, ‘yan ang ikaka-shock ng mga manonood.

Samantala, bwisit na bwisit naman ang viewers kina Candy Pangilinan as Mimi at ni Philippa (Racquel Villavicencio) dahil sa pang-ookray nila kay Scarlet. Talagang grabe ang pang-iinsulto nila sa dalaga pero nanatili siyang mahinahon para hindi makasira sa mga susunod niyang mga plano. Winner ang ‘mano po’ scene ni Janine with Racquel sa nasabing episode, ha!

Ito yung sasampalin sana ni Phillipa si Scarlet pero nasalag ng dalaga ang kamay nito at saka nagmano dahil ‘yun daw ang turo sa kanya ng inang si Almira, ang irespeto ang matatanda.

Napapanood pa rin ang Dragon Lady after Eat Bulaga.

Read more...