Hindi pa pala maipapalabas ang GMA Pictures movie na pagbibidahan ni Super Tekla.
May chikang dapat ay noong May pa ito ipalalabas pero biglang hindi na lang natuloy. Parang malabo pa ang bagong playdate nito. Mukhang hindi kumbinsido ang GMA Pictures executives na kikita ito sa takilya dahil of late ay flopsina ang local movies sa box office.
Lait tuloy ang inabot ng production sa internet.
“Mahirap sa GMA hindi marunong sumugal. Kung gusto niyo talagang mapantayan ang ABS-CBN (which is the best network), sumugal kayo. Mag-invest kayo sa home grown talents niyo at dapat kayo ang unang nagtitiwala sa kakayahan ng mga artista niyo.
“Paano sila makakakuha ng kumpiyansa kung di kayo susugal? Noong ABS-CBN ang nasa posisyon ninyo, sumusugal sila kahit flop at ngayon tignan niyo ang nangyari sa hardships nila. Wag kasi masyadong masikip sa budget GMA hahahahaha!”
“Perhaps tipid mode pa rin si Felipe Gozon lalo na’t wala namang masasandalang ibang company ang GMA unlike ABSCBN and TV5.”