Dyowa ni Jason Abalos nganga sa Q&A ng Bb. Pilipinas 2019

JASON ABALOS AT VICKIE RUSHTON

Marami ang nanghinayang sa pagkatalo ni Vickie Rushton who represented Negros Occidental sa katatapos na Bb. Pilipinas pageant.

Promising ang unang sultada ng competition for Vickie dahil humakot siya ng special awards – Miss Creamsilk, Ms. World Balance, Bb. Poten Cee Gandang Palaban.

With that, marami ang umasang makakakuha siya ng title ang girlfriend ni Jason Abalos sa naturang pageant.

But the question-and-answer portion ng Binibining Pilipinas 2019 proved to be the deciding point kung bakit siya hindi nakakuha ng title. Hindi kasi maganda ang kanyang sagot sa tanong ni Daniel Padilla na

“Why is mental health as important as physical health?” Tila nautal si Vickie sa pagsagot.

In an interview after the pageant, sinabi ni Vickie na na-distract siya sa isang tao na nagmake-faces habang sumasagot siya sa Q and A portion ng pageant kaya nawala siya sa focus.

Marami tuloy ang nanghinayang sa kanyang pagkatalo lalo pa’t second chance na niya ito.

“Di ko tuloy maintindihan ang hype sa kanya knowing mahina siya sa Q&A kahit noon pa.”

“Nadale si Aling Vickie sa Q&A. Naunahan ng kaba o na-starstruck kay Daniel Padilla?”

“Sana kumain muna si Aling Vicky kahit maglakad parang walang enerhiya. Sayang. Madali lang naman un tanong kinabahan lang talaga.”

“Sayang si Vicky na pressure cguro sa Q and A because everyone is expecting her to deliver a good answer since ang dami nyang nakuhang special awards… ang ending naging Ms. Minor Awards sya.”

Read more...