Hirit ng bashers kay Kris: Umalis ka kung gusto mo, huwag ka nang magpaawa epek

KRIS AQUINO

LAIT, kutya at patutsada ang inabot ng laos na TV host na si Kris Something when she announced on her Instagram accont na magpapahinga siya sa paggamit ng social media.

At dahil sinabi ni Kris for the nth time na magpapahinga siya sa social media, parang wala nang gustong maniwala. Ilang ulit na kasi na ganito ang kanyang drama, only to return to social media use after a few days. All she had become is a laughing stock.

With her latest announcement, nagdududa pa rin ang netizens kung mapapanindigan niya ang kanyang promise na magpapahinga muna sa social media.

“To kris, If youre going to leave, just leave. Wag na magpaalam kasi tingnan mo nagiging joke na lang sa tao pinagsasasabi mo. If ever mapansin na wala ka na sa socmed, dun na lang siguro ikaw maghintay ng mga reactions from netizens. Then maybe baka gumaling ka na if itapon mo muna phone mo.”

“Juskoooo yung taong gusto mawala sa limelight di na nagpapaalam pa nawawala na lang… at wala ng mga banat na will come back stronger chorva…. just be gone.”

“Oh KRIS, if you want to take a rest do it right away. HINDI KAILANGAN NG LETTER EK EK.”

“So, see you again by the end of the week, ganern?”

Read more...