Jennylyn: Kung wala po kayong oras, wag nang mag-alaga ng hayop…

JENNYLYN MERCADO AT CONOR

PARANG tunay na “baby” na kung ituring ni Jennylyn Mercado ang kanyang mga alagang pusa at aso na talaga namang nagpapasaya at nagbibigay ng good vibes sa kanya.

Ayon sa Kapuso Ultimate Star ibang klaseng kaligayahan din ang hatid ng mga pet animals sa kanyang buhay.

“Pag-uuwi ako, sasalubong talaga. Tatabi sa yo, hihiga sa tabi mo,” chika ni Jennylyn sa isang panayam tungkol sa kanyang apat na alagang pusa at isang aso.

Ang tinutukoy na mga pusa ni Jen ay sina Clay, ang Scottish Fold na laging handang magpa-cute sa camera; Amy, ang Scottish Straight na kilala ng fans ni Jen sa kanyang signature ribbon sa leeg; Sage, ang Siberian with white furball; at si Chael ang maincoon with a standout pair of ears.

Isa naman sa unang pet dog ni Jen ay si Conor na talaga namang alagang-alaga ng Kapuso actress.

Para sa lahat ng mga may alagang hayop, may advice lang si Jen, “Hindi mo sila kinuha para hindi alagaan. Make sure may oras kayo para sa kanila, napi-feed mo nang tama. Walang stress and nagu-groom nang maayos.”

Dugtong pa niya, “If you’re not yet ready for the responsibility, perhaps it’s not yet time for you to get a pet.”

Kaya kahit sobrang busy siya sa trabaho at sa kanyang cookie business, naglalaan talaga siya ng sapat na panahon para maalagaan ang kanyang mga alagang pusa at aso.

Read more...