Winwyn magtatayo ng sariling preschool; may payo sa mga magka-college

WINWYN MARQUEZ

BALAK nang magpatayo ng Kapuso beauty queen-actress na si Winwyn Marquez ng sarili niyang school ngayong certified teacher na siya.

Feeling ni Winwyn, calling talaga niya ang maging guro at makatulong sa paghubog ng kaisipan at values ng mga kabataan.

Kamakailan ay nakumpleto na niya ang Teacher’s Certificate Program kaya pinaplano na niya ang pagbubukas ng preschool.

“Ang main goal ko ngayon is to have my own pre-school and kailangan ko din mag-review for my LET!

‘Yun na lang. Alam ko kasi pwede na kong mag-turo kahit wala pa kong lisensya. I think for five years?

“Cause you can teach na pero siyempre mas maganda pa rin ‘yung may lisensya. So, fingers crossed na maging maganda ang results sa LET,” aniya sa panayam ng GMA 7.

Ang LET or Licensure Examinations for Teachers ay ginagawa taun-taon ng Professional Regulation Commission para i-test ang “competency” ng bawat applicant sa field of teaching.

Naniniwala ang Kapuso actress at education advocate na mahalaga sa isang bata ang magkaroon ng inspiration at aspiration habang nasa murang edad pa lang.

“They have to find inspiration. They have to think na ito yung makakatulong sa future nila.

“But at the same time, hindi lang dapat education ang kailangan nilang matutunan kundi maging practical din in life sa pag-decide.

“So skill and academics dapat ipagsabay mo. So kailangan inspired ka at ‘wag kang maging malungkot kung mababa grades mo.

“Not all rich and successful people get a hundred on their grades. So ‘yun lang ang isipin nila and just work hard,” aniya pa.

Ito naman ang payo ni Winwyn sa mga estudyante na wala pang naiisip na course for college o yung nagpaplanong mag-shift ng kurso? “Ako kasi kung ano ‘yung gut feel ninyo ‘yun yung gawin niyo.

“If it’s not for you, it’s okay to change. At least you tried something. And at least alam mong ‘di para sa iyo yun.

“And if at first try, ‘yun na ‘yun, then good for you. Push mo ‘yan and don’t be scared,” lahad pa ng dalaga.

Read more...