AI, automation to replace workers

ISA ang artificial intelligence o automation sa pag uusapan sa pagtitipon ng mga government labor officials, business groups and workers organizations from all over the world ngayong araw, June 10 up to June 21, para sa International Labour Conference sa Geneva, Switzerland.

Bukod sa automation, mainit din na pag-uusapan kung
ano ang magiging strategy ng mga labor and business groups and government sa lumalalang climate change at tumatandang labor force.

Dahil sa parami nang parami ang gumagamit ng robots and smart computers in producing products and rendering services, maraming tao ang mawawalan ng trabaho.

Delikadong mawa-lan ng trabaho ang mga nagtatrabaho sa mga call centers, banking industry, logistics, restaurants, hotels at mga messenger.

Batay sa survey ng International Labour Organization, 56 per cent of jobs in five ASEAN countries including the Philippines are at risk of automation over the next 20 years.

Dati kausap mo sa telepono to ask direction or advice ay tao, ngayon cobots o robot na ang nagsasalita na. Imbes na sa waiter ka oorder ng pagkain, ngayon ay computer screen na ang
kausap mo.

Dati mga workers ang naghahanda ng mga idedeliver, ngayon ay robot na rin.
Yung dating sangka-terbang mananahi o nag-a assemble ng microchips sa maraming hanay, ngayon ay isang makina na lamang.

Mas marami at mabilis na produkto ang nagagawa ng robot compared to human being like you and me. Higit sa lahat, wala raw problema ang mga negosyante sa automation compared to working people with regards to salary, benefits, safety and health at pagtatayo ng unyon.

Ikukwento ko sa inyo ang resulta ng pag-uusap sa aking pagbabalik mula Geneva.

Sa tingin mo, paano ba natin haharapin ang isyu na ito? Papayag ka ba na palitan ka na lang ng robot o cobot? Kaya mo bang mas magaling kesa sa kanila?

Read more...