Nangangamoy ka ba?

HINDI kaaya-aya kung ikaw man ay may body odor. Gusto mo bang sa siksikang tren, jeep o bus, ay tinititigan ka nang masama dahil sa polus-yon na dala mo sa kanilang ilong.

Ikaw man ay may makatabi na malakas ang amoy, anong magiging reaksyon mo?

Ang mabahong amoy sa katawan ay dulot ng naghalong pawis at bacteria. Minsan may kinalaman ang mga kinakain natin sa amoy ng ating katawan.

Kaya bago ka pa layuan ng mga katabi mo, narito ang mabangong tips para di ka mangamoy:

1. Maligo araw-araw. Sabunin at kuskusin mabuti ang buong katawan lalo na ang mga lugar na laging pinagpapawisan.

2. Hugasan ang iyong kili-kili at paa ng dalawang beses kada araw. Ibang klase ang pawis na lumalabas mula sa mga ito kaya mas maamoy kaysa sa ibang parte ng iyong katawan.

3. Piliin ang sabon na gagamitin, mas mainam kung anti-bacterial at siyempre ‘yung babagay sa iyo.

4. Maglagay ng pa-ngontra sa pawis o antiperspirant sa iyong kili-kili tulad ng tawas, deodorant.

5. Subukang gumamit ng alcohol sa kili-kili at paa. Kapag napatay kasi ng alcohol ang mikrobyo, mababawasan din ang amoy.

6. Umiwas sa pagkaing maanghang o spicy. Umiwas sa bawang, sibuyas, curry at maaamoy na isda.

7. Uminom ng walo hanggang 10 baso ng tubig para luminis ang i-yong katawan.

8. Magsuot ng cotton na mga damit lalo na ang underwear. Mainam din na magsuot ng maluwag na kasuotan.

9. Labhang maigi ang iyong damit. Kapag mabango kasi ang iyong damit, mas hindi ka ma-ngangamoy.

10. Huwag masyadong magpapawis lalo na kapag may importanteng lakad o pupuntahan. 11. Mag-relax lang. Kapag kinakabahan ka halimbawa ay lalo kang papawisan.

12. Magpakonsulta sa doktor kapag may body odor pa rin. Kailangan kasing masuri ka ng doktor kung may iba kang sakit o talagang mapa-wisin ka lang.

Read more...