Iba’t ibang amoy: Indikasyon na may problema sa kalusugan


NORMAL lang sa paggi-sing mo ay hindi maganda ang amoy ng iyong hininga, pero alam mo ba na kung may kakaiba itong amoy gaya ng “fruity odor”, senyales iyan na hindi dapat palagpasin.

1. Amoy prutas

“It may be indicative of diabetic ketoacidosis (DKA), a metabolic condition that has the potential to be deadly and may arise as a complication of uncontrolled diabetes,” ayon sa ulat ng Mayo Clinic.

Kung may diabetes ka at duda ka sa iyong naamoy sa iyong bibig, mabuting ipatingin na iyan sa doktor.

2. Amoy isda

Bagamat hindi kagandahan ang amoy ng vaginal area, normal naman ito. Magtaka ka na lang kung ang naaamoy mo ay parang merong malansang isda down there.

Ang malansang amoy na nagmumula sa ari ng babae ay maaaring senyales ng bacterial vaginosis (BV) “BV is a change in the vaginal bacterial community that can lead to increased discharge and odor, especially after sex,” paliwanag ng doktor na si Caroline Mitchelle ng Massachusetts General Hospital. Maaaring magdulot ito ng mas malalang problema kaya dapat magpatingin sa doktor.

3. BO and BB

Posibleng may ibang health issue na dapat resolbahin kung may kakaibang amoy ang katawan at bibig. Baka may problema na sa atay o sa bato.

“In liver and kidney disease, people can experience both offensive body odor and bad breath,” paliwanag ni Dr. Jennifer Stagg.

4. Malalang BB

Bad breath pa rin kahit nakapag-toothbrush ay posibleng hindi lang isyu ng oral hygiene. Baka may problema na sa iyong bituka?

“Bad breath primarily stems from hypochlorhydria, or lack of stomach acid,” ayon naman sa nutritional therapist na si Carley Smith.

Kung hindi raw maayos ang pagkaka-digest ng pagkain, makakaapekto sa kalusugan ng iyong bituka, at maging ng iyong hininga.

5. Sobrang panghi ng ihi

May problema kung masyadong masangsang ang amoy ng iyong ihi. Isa rin itong senyales na baka meron kang problema sa bituka. Ito ay maaaring dulot ng toxin na inilalabas ng iyong katawan bukod sa mabahong pawis.

Read more...