Ai Ai sa kampo ni Duterte: Sumuporta kami kasi hindi sila corrupt! 

AI AI DELAS ALAS AT BAYANI AGBAYANI

Wish ni Ai Ai delas Alas sana marami ang makapanood ng movie nila ni Bayani Agbayani, ang “Feelinnials (Feeling Millennials).”

Ipinagmalaki niya ang chemistry nila ng comedian sa movie at nai-compare pa niya si Bayani kay Vic Sotto na nakatambal na rin niya sa dalawang pelikula.

When she noticed na parang natatawa ang members ng press, she said, “Ba’t kayo natatawa? Manood kayo. Sasabihin ninyo ‘oo nga, no?’. Actually, ako nagulat din. ‘Ay, oo nga, ‘no?  kahit ganito na kami, puwede pa rin kaming loveteam,” she stressed.

Ai Ai also defended Bayani and the celebrity entourage na nakasama nito sa trip ni President Rodrigo Duterte sa Japan.

“Hindi sa kinakampihan ko si Bayani, kundi artista rin ako at nag-campaign rin ako noon. Sa totoo lang, kung bakit kami nandu’n, kasi nakita namin na hindi sila corrupt, that’s why tumulong kami.

“Kasi alam niyo naman po ‘yun, ‘di ba, na mga artista kami, huwag na tayo magplastikan, kapag ano, babayaran kami.

“Ito lang po, kumbaga, pamasahe lang po ang ibinibigay sa amin or panggasolina.

“Kaya kami tumulong nang buong puso kasi sabi namin sa sarili namin, ‘Ah, hindi corrupt itong mga ito.’”

Read more...