2 aspiring actor lagot kay Ruru sa TBATS; Roco, Rodjun, Kristoffer  maha-hotseat    

SIGURADONG matutulog na naman kayo ng may ngiti sa labi ngayong Linggo ng gabi matapos mapanood ang isa na namang nakaka-good vibes na episode ng The Boobay And Tekla Show sa GMA 7.

Sa “Pranking In Tandem” segment, samahan ang Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid sa pambibiktima sa dalawang aspiring actor sa isang interactive children’s show.

And to make it more exciting, while pulling off the prank, Ruru must strictly follow the instructions from Boobay and Tekla relayed through a remote earpiece.

Huwag n’yo ring palalampasin ang bagong paandar nina Boobay at Tekla sa isa namang KMJS parody. Samahan ang TBATS team sa pag-iimbestiga tungkol sa diumano’y lamang-lupa na nag-viral sa social media. Kung ano ang nahagip ng kanilang mga camera  ay siguradong ikaka-shock ninyo.

Para naman sa “Feeling the Blank,” sasagutin nina Rodjun Cruz, Kristoffer Martin at Rocco Nacino sa pagsagot sa mga extra naughty and titillating questions.

Outside the studio naman, Boobay and Tekla will challenge everyday people to translate Filipino movie titles to English in “TBATS on the Street.”

At kung bitin na bitin pa kayo, tutukan pa ang hit segment na “Dear Boobay and Tekla” kung saan isang hunky Filipino-Kiwi ang bibisita sa TBATS studio para ikonsulta kina Boobay at Tekla ang kanyang problema sa lovelife.

The Boobay And Tekla Show is not a talk show. It is a fun-filled experience kaya watch na kayo every Sunday right after Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA lang.

Read more...