Kyline napiling host ng ‘StarStruck’ online

MAS madali nang mapapanood online ang auditions at exclusive interviews ng StarStruck hopefuls sa official YouTube channel ng programa.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng online show ang StarStruck na tatawaging Inside StarStruck.

Simula Lunes (Hunyo 10), masusubaybayan na online ang must-see at trending videos ng original reality-based artista search kagaya ng episode highlights at behind-the-scene footages na mismong ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang magho-host.

Masaya si Kyline na siya ang naatasang maging host ng naturang online show lalo pa’t sa Inside StarStruck unang iri-reveal ang Top 22 hopefuls.

Kaya naman mag-subscribe na sa YouTube channel ng programa para maging updated sa latest news about  the StarStruck hopefuls.

Read more...