Ai Ai: Bongga! May bago na uli akong ka-loveteam!  | Bandera

Ai Ai: Bongga! May bago na uli akong ka-loveteam! 

|June 09,2019
facebook
share this

Ai Ai: Bongga! May bago na uli akong ka-loveteam! 

- June 09, 2019 - 12:11 AM

“Ay, may bago na akong ka-loveteam!”

Yan ang nasabi ni Ai Ai delas Alas patungkol sa leading man niya sa pelikulang “Feelennial” na si Bayani Agbayani.

Bukod daw kay Bossing Vic Sotto, natagpuan na niya ang isa pang comedian na pwede niyang makapartner sa mga susunod pa niyang projects dahil sa kakaiba rin nilang chemistry at magic on screen.

Sa presscon ng “Feelennial”, sinabi ng Comedy Queen sana raw ay mas marami pa silang magawang project ni Bayani dahil talagang nag-enjoy sila sa shooting nito at naniniwala siya na magugustuhan din ng publiko ang kanilang tambalan.

“Kasi, noong napanood ko ‘yung movie noong nag-dubbing kami ng ibang parts, sabi ko sa sarili ko, ‘Ay, mayroon na ulit akong bagong ka-love team.’

“Kasi, nakita ko yung parang closeness ng puso namin kay Bossing, e.Yun talaga yung ka-love team ko, e. Pero noong napanood ko yung kami ni Bayani, ‘Ay, may bago na akong love team, may ganu’n.’ May kilig factor kapag nanonood ka ng pelikula, so cute,” paliwanag ng Kapuso comedienne.

Nagkasama sina Ai Ai at Vic sa mga pelikulang “Enteng ng Ina Mo” (2011) at “My Bebe Love: #KiligPaMore” (2015).

Para naman kay Bayani, dream come true ang makatrabaho si Ai Ai at dito nga niya napatunayan na may chemistry din pala sila ng kanyang kaibigan off and on cam.

“May chemistry po pala kami. Kasi po may chemistry kami off-cam, so hindi namin alam kung nasa harap ng camera ay ganu’n pa rin.

“So, nalaman namin na kung ano pala yung samahan at treatment namin bilang magkaibigan sa likod ng camera, ganun din pala sa harap ng camera. Kaya naging natural na natural yung takbo ng karakter namin sa pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At natuwa naman kami kasi, kung gaano kami naghaharutan kapag walang camera, kung paano kami nagpapatawa sa isa’t isa, kung papaano kami nagmamahalan sa likod ng camera, e, ganu’n din, nakita sa harap ng camera. So, ‘no acting, please’ ang nangyari dito sa pelikula,” aniya pa.

Showing na ang “Feelennial” sa June 19 nationwide sa direksyon ni Rechie del Carmen under DSL Events & Production House na pag-aari ni Pops Fernandez in cooperation with Cignal Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending