2 reporter nag-away dahil sa 1 foreigner | Bandera

2 reporter nag-away dahil sa 1 foreigner

Den Macaranas |June 07,2019
facebook
share this

2 reporter nag-away dahil sa 1 foreigner

Den Macaranas - June 07, 2019 - 12:15 AM

NAGKAGULO pala ang isang press office kamakailan hindi dahil may malaking istorya kundi dahil may gera sa pagitan ng dalawang babaeng reporter.

Ayon sa aking madaldal na Cricket, matagal nang nagpaparinigan ang ating mga bida na dati pa namang mag-bestfriend.

Halo-halo na ang kanilang pinag-awayan, mula sa professional jealousy isyu sa pera, at pati pala isyu sa lalaki.

Pinakamatindi nilang pinag-awayan, ayon sa aking chikadorang Cricket, ay nagkaroon ng isang special friend na foreigner at laging ka-chat ni reporter 1 na itatago natin sa pangalang Lady O, na nagsusulat sa online at dyaryo.

Ayon sa aking Cricket, pasikretong nakuha sa Facebook ni reporter number 2 na itatago natin sa pangalang Binibining M, ang profile ng special friend ni reporter number 1, hanggang sila na ngayon ang maging regular na magka-chat.

Minasama ito ni Lady O kaya naman nagdesisyon na siyang i-block na lang sa kanyang FB ang nasabing foreigner.

Mula noon ay lalong naging mainit sa isa’t isa ang dalawang pareho na rin namang may edad na mga mamamahayag.

Pati ang mga lumang isyu ay naungkat at umabot pa sa social media ang kanilang girian.

Sa isang pulong ng mga opisyal ng press corps kung saan ay officer ang isa sa mga bida nating reporter ay nag-krus ang kanilang landas.

Mula sa palitan ng maaanghang na pananalita ay nauwi sa suntukan at sabunutan ang kanilang away at mabuti na lamang at listo ang nga opisyal ng press corps at kaagad na naawat ang dalawa.

Awang-awa ang ating cricket dahil sa lakas ng uppercut na pinakawalan ni Lady O sa baba ni Binibining M.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga bida sa ating kwento ngayong araw ay sina Lady O…as in Oto at Binibining M…as in Miswa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending