30th anniversary concert ni Ai Ai sa Big Dome tuloy na tuloy na

AI AI DELAS ALAS

Wala nang urungan ang ilang beses nang naudlot na thanksgiving concert ni Ai Ai delas Alas kaugnay ng 30th anniversary niya sa showbiz industry at pasasalamat na rin niya kay Most Reverend Father Antonio. Gaganapin ito sa June 24 sa Araneta Coliseum kung saan makakasama ng Comedy Queen ang mga importanteng tao sa buhay at career niya.

Inilabas na ni Ai Ai ang listahan ng special guests niya sa concert sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Pasok siyempre riyan ang anak-anakan niyang si Alden Richards at ang iba pang kasamahan ng Comedy Queen sa Sunday PinaSaya tulad nina Jose Manalo, Wallly Bayola, Julie Anne San Jose, Lovely Abella, Valeen Montenegro, Pekto, Boobsie, Jerald Napoles at Kyline Alcantara.

Guests din ang mga anak niyang sina Sancho Vito at Sophia, Jeric Gonzales, Bayani Agbayani at Bro. Bo Sanchez.

Ang beneficiary ng kanyang anniversary concert ay ang Kristong Hari Church na matatagpuan sa Fairview, Quezon City na ipinagagawa mismo ni Ai Ai.

Puwedeng makabili ng tickets sa kahit anong parish ng Diocese ng Novaliches.

 

Read more...