Facebook fan page nina Marian, Dingdong at Zia na-hack; Dongyan fans binalaan sa mga sindikato sa socmed

ZIA, MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

NAKALIGTAS sa hacker ang Facebook fan page ng The Official Dongyanatics at ang account na Maria Letizia Dantes ayon sa post ng ZiaDantesFanSite.

Ni-repost ni Marian Rivera sa kanyang Instagram Stories ang announcement ng nasabing account kasabay ng pagbibigay ng warning sa mga followers nila ng asawang si Dingdong Dantes sa social media.

“The Face Book Fan Pages of The Official Dongyanatics and Maria Letizia Dantes were hacked and taken over by someone else.

“We have forwarded our request to @facebook to restore our administration rights nd ownership of the pages,” ang pahayag ni Marian.

Naku naman, pati ba naman fan pages sa FB eh, pinag-iinteresan pa ng mga walanghiyang hacker na ito?

Malamang may masamang balak ang mga taong nasa likod nito kaya naman mag-ingat ang mga netizens at baka nga magamit ang pangalan ng pamilya ni Dong ng mga naglipanang sindikato sa socmed, mahirap nang mabiktima.

Read more...