Bus vs. trike: 2 patay

 

DALAWANG tao ang nasawi nang masalpok ng bus ang sinakyan nilang tricycle sa bahagi ng Maharlika Highway sa Alaminos, Laguna, Miyerkules ng hapon.

Dead on arrival sa ospital ang tricycle driver na si Sherwin Bagumba, 37, at sakay niyang si Sheryl Cabangal, 35, ayon sa ulat ng Laguna provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-5:40, sa bahagi ng highway na sakop ng Brgy. San Juan.

Minamaneho ni Jolan Capule, 34, ang bus patungo sa direksyon ng Sto. Tomas, Batangas, nang masalpok ang kasalubong na tricycle ni Bagumba.

“Totally wrecked” ang tricycle dahil sa lakas ng impact, ayon sa ulat.

Isinailalim sa kostudiya ng lokal na pulisya ang bus driver para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso.

Read more...