Pinalayas na housemate sa PBB Otso dahil sa rape joke nag-sorry: Pasensiya na, nasobrahan lang po talaga

NAG-SORRY na sa madlang pipol ang former Pinoy Big Brother Otso housemate na si Banjo Dangalan matapos mapalayas sa Bahay ni Kuya kamakailan dahil sa kanyang rape joke.

Paliwanag ni Banjo, wala siyang masamang intensiyon sa kanyang pagbibiro, lalo na nang magbitiw siya na malilisyosong pahayag sa kapwa niya housemate na Gino Roque IV.

Sa panayam ng ABS-CBN sa binata, sinabi niya na nais lamang niyang pasayahin ang kanyang mga kasama sa Big Brother house at hindi niya inaasahan na magiging dahilan pala ito ng pagpapalis sa kanya sa PBB.

“Unang-una po, gusto kong mag-sorry sa lahat ng housemates, Sa mga taong nasaktan ko po sa labas (ng PBB house) humingi po ako ng tawad. Hindi ko po intensiyong manakit ng kapwa, gusto ko lamang pong magpasaya and pasensiya po kung nasobrahan lang po talaga,” paliwanag ni Banjo.

Aniya pa, nakalimutan din niya na napapanood pala sila sa buong Pilipinas at sa ibang bansa kaya wala siyang preno sa pagbibiro. Dagdag pa ng dating housemate, feeling daw kasi niya ang seseryoso ng mga kasama niya sa Bahay ni Kuya.

“Nalimutan ko pong pinapanood po pala kami kasi pag nasa loob ka ng bahay, hindi mo na naiisip iyon eh,” dagdag pang paliwanag ni Banjo.

Kung matatandaan, sinabi ni Banjo habang nag-aalmusan sila ng mga housemates na gusto niyang “pagsamantalahan” si Gino. Nakikipagpalit pa siya ng kama sa isang kasama nila para raw makatabi niya sa pagtulog ang binata. Hindi ito ikinatuwa ng ibang housemates, lalo ng mga girls kaya nang ipatawag sila sa confession room sinabi nila kay Kuya na nababastusan sila sa mga joke ni Banjo.

At dahil nga rito, pinatawan ni Big Brother ng forced eviction si Banjo. Ayon sa ulat, sumasailalim ngayon ang napatalsik na housemate sa therapy sessions bago tuluyang lumabas sa outside world. Hintayin na lang natin kung mabibigyan pa ng chance si Banjo sa showbiz kapag nasa labas na siya ng PBB house.

Read more...