SA kabila ng patuloy na pangnenega sa kanya ng mga bashers sa social media, nananatili pa ring positive ang outlook ni Alex Gonzaga sa buhay at sa kanyang career.
In fairness, bukod sa umaaribang career niya online sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel at vlogs, isa pa rin siya sa mga most-trusted celebrity endorser sa bansa dahil nga sa pagiging effective socmed influencer.
Kamakailan lang ay muling nagpasabog ng good vibes ang Kapamilya TV host-actress sa online world nang mag-upload siya sa YouTube ng nakakaaliw na video kasama ang kanyang mga kapamilya para sa version nila ng “Eating Lemon With No Reaction.”
Kumasa rin sa hamon ang boyfriend niyang si Mikee Morada at inang si Mommy Pinty.
Grabe ang reaksyon ng mga netizens sa bagong paandar ni Alex na nakakuha na ng mahigit 900K views.
Pero siyempre, bashers will be bashers kaya may ilan pa ring nangnega kay Alex na ipinagtanggol din naman ng kanyang loyal followers.
Sey ng kapatid ni Toni Gonzaga, hangga’t marami siyang napapasaya at nai-inspire, hinding-hindi siya magpapaapekto sa mga haters.
“Kapag kilala mo ‘yung sarili mo, alam mo kung sino ka, alam mo ‘yung gusto mo, kung ano ‘yung ayaw mo, kung ano ‘yung strength mo, ano ‘yung weakness mo, accepted mo who you are, hindi ka magpapaapekto sa sasabihin ng ibang tao.
“It will take time and you should trust your instinct na sinasabi kung ano ang gusto mo at sino ka, ‘yun ang pinakaimportante sa lahat,” paliwanag pa ng dalaga.
At dahil nga sa very positive outlook ni Alex sa buhay, siya ang napiling bagong ambassador ng leading mobile wallet sa bansa, ang GCash, operated by Mynt (Globe Fintech Innovations).
Pormal nang pumirma ng kontrata ang comedian-vlogger signed with GCash, bringing her well-known wit and humor to connect with GCash’s 20 million users and promote financial inclusion in the Philippines.
“Alex Gonzaga represents what our core users stand for—independence, kindness and empowerment.
She is a wonderful person whose heart is in the right place. GCash is really excited about this long term partnership,” sabi ni Ney Villasenor, head ng Mynt’s Corporate Communications Group.
Naniniwala ang grupo nina Ney sa success ni Alex bilang business owner, independent woman, and a highly relatable influencer, “We do not plan to change Alex as a person. We want her to maintain her brand of wit, humor and passion as she experiences GCash and shares it with her own base and reach,” aniya pa.
In fairness naman kay Alex, isa siya sa mga iilang celebrities na may milyun-milyong subscribers sa YouTube, kung saan napapanood ang mga nakakaloka, nakakatuwa at nakaka-inspire na vlogs entry niya – mula sa fashion, music, food, hanggang sa usapin ng friendship at pakikipagrelasyon.
Her music video, “Chambe” is still one of her top hits, with over 24 million views.
Alex also has 6.6 million followers on Instagram na aliw na aliw din sa kanyang mga ipino-post.