SINABI ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nagsampa na ito ng kasong administratibo laban sa isang dialysis center matapos namang mag-claim ng benepisyo para sa patay na pasyente.
Nangako rin ang PhilHealth na iimbestigahan ang umano’y anomalya na kinasasangkuta ng ghost kidney treatments.
Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, sister company ng Inquirer Bandera, ibinunyag ni Edwin Roberto, dating empleyado ng WellMed Dialysis & Laboratory Center Corp. sa Novaliches City na patuloy na nagbabayad ang Philhealth ng mga claim mula sa dialysis center kahit pa namatay na ang isa nilang kliyente nito.
Sinabi ni PhilHealth acting president at CEO Dr. Roy Ferrer na nagsampa na sila ng kaso laban sa dialysis center para ipakita na hindi pinapayagan ang naturang anomalya.
“The corporation does not condone such acts as it undermines the people’s entitlement to one of their basic rights as human beings — the right for appropriate medical care,” sabi ni Ferrer.
“In relation to this case, the corporation has filed 28 counts of administrative claims for non-admitted treated patients, misrepresentations by furnishing false or incorrect information, and breach of warranties of accreditations performance against the mentioned dialysis center,” ayon pa kay Ferrer.
Idinagdag ni Ferrer na 12 iba pang kaso ang patuloy na nirerepaso ng PhilHealth.
“We encourage whistleblowers to come out in the open and my view, even modern corporation with modern technology.. it’s really difficult sometimes to detect fraud so that’s why we are encouraging the public and the people to report to us any fraudulent activities that you observe with the claim processing of PhilHealth. If you think it’s fraud, report it,” sabi ni Ferrer.