Mas marami pang eskuwelahan ginawang faculty room ang banyo-ACT

Photo from Maricel Herrera facebook account

DUMAMI pa umano ang mga guro na isinapubliko ang paggamit ng banyo bilang faculty room sa mga pampublikong paaralan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Alliance of Concerned Teachers na hindi totoo na nangyari lamang ito sa Bacoor National high School Molino Main.

Ayon sa ACT ginawang faculty room ang mga comfort room sa Maligaya High School, Sergio Osmeña High School, Bagong Silangan Elementary School, at Quirino High School sa Quezon City, Villamor High School at Calderon Elementary School sa Manila.

Malimit ay mga guro pa umano ang gumagastos para maipaayos ang mga banyo at magamit nilang faculty room.

“Nowhere in any government agency will you see that employees take out from their pockets what is needed to repair government facilities. Teachers do it because they don’t have much choice and out of their vocation. This is one proof that we are not money-driven,” ani Joselyn Martinez, chairperson ng ACT.

Nauna rito ay sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na maaari namang gamitin ang ibang lugar sa BNHS-Main pero ang pinili ng mga guro ay ang banyo para maging “dramatic”.

“Teachers are the last that should be lectured about vocation, and Sec. Briones should be the last person to do so since her Php3.9 million 2018 income berefts her of any moral ascendency on the matter. Unlike her, teachers live on poor pay but our dedication to our students and to the country drives us everyday to continue teaching and make up for the government deficiencies, even if that means ending up deep in debt and with no pension left to support us when it’s our time to rest,” paliwanag ni Martinez.

Read more...