PBB Otso housemate pinalayas sa Bahay ni Kuya dahil sa rape joke; Big Brother bad trip


PINATAWAN ng forced eviction ang PBB Otso housemate na si Banjo Dangalan (second batch ng adult housemates) dahil sa kanyang rape joke sa kapwa housemate na si Gino Roque IV.

Sa isang kumalat na video clip online, naganap ang nasabing insidente habang nagbe-breakfast ang mga housemates. Sabi ni Banjo, “Siguro masarap itong katabi sa pagtulog,” na ang tinutukoy nga ay si Gino sabay sabing sana raw ay may makipagpalit sa kanya ng kama para makatabi ito sa pagtulog. Hirit pa ni Banjo, “Pag-gising nito, wala na ‘tong saplot.”

Inalmahan naman ito ng mga female housemates. Sabi ni Jamie kay Big Brother, “Yung mga ganyang biro, alarming ‘yun eh. Kahit na sabihin mong sa lalaki binibiro, pero may mga babae.”

“Uncomfortable kami, lalo na nu’ng breakfast. Palagi siyang nagjo-joke ng ganu’n, mga dirty jokes. Wala raw saplot, hingal na hingal daw paggising. For me, sobrang insensitive niya sa mga sinasabi niya,” sabi naman ni Diana.

Ipinatawag agad ni Big Brother si Banjo sa confession room, “Ang pananamantala sa kapwa, sa kahit anong konteksto ay hindi dapat ginagawang biro.

“Malinaw din na nakasaad sa aking rule book na hindi kayo maaaring gumamit ng mga salitang nakakabastos sa inyong kapwa housemates. Banjo, dahil sa sunud-sunod mong paglabag sa patakarang ito, humantong ako sa isang desisyon. Ikaw ay pinapatawan ko ng forced eviction.”

Naiyak si Banjo matapos marinig ang ibinigay na parusa ni Kuya at nag-sorry din siya kay Gino at sa iba pang housemates bago lisanin ang PBB house.

Read more...