Maris umaming sinaktan ni Iñigo: Pero kalma lang guys, past is past


SINAKTAN ni Iñigo Pascual ang puso ni Maris Racal. Yan ang rebelasyon ng Kapamilya young actress tungkol sa “past” nila ng binata.

Ayon kay Maris, nagkaroon sila ni Iñigo ng mutual understanding o pagkakaunawaan pero hindi ito talaga umabot sa pagiging magdyowa.

Tinanong ang dalaga nang mag-guest siya sa Tonight With Boy Abunda kung naging officially together ba sila ni Iñigo, tugon ni Maris, “No po. Not officially.”

Dugtong pa niya, “Basta nag-stay lang kami sa more than friends. We didn’t have time to really go out, because of work.”

Paano ba niya ide-describe ang “more than friends” na status? “I guess ito po yung uso na type of relationship, na you have this understanding na tayo. But then I can’t give you that yet because I have another thing to do.”

Sundot na tanong sa kanya ni Boy Abunda, “May sabihan din ba ng ‘I love you’ at ‘I miss you’ sa ganitong klase ng relationship?” Sagot ni Maris, “I guess minahal naman namin ang isa’t isa.”

At sa pagtatapos nga ng “more than friends” status nila ay looking forward si Maris sa mas maraming magaganda at challenging opportunities para sa kanila ni Iñigo.

Mensahe niya sa dating ka-loveteam, “Thank you sa lahat. I guess okay naman kami mag-work sa isa’t isa. In the future, but for now iba na muna yung focus namin.”

Nakapag-usap na rin daw sila ng binata tungkol sa kanilang status, “Siya ang umiyak. Ako parang, I told you… kasi marami siyang kasalanan sa akin.”

Pero binawi naman agad ito ni Maris sabay sabing, “Joke lang yun ha.” Pagpapatuloy niya, “Okay na ako nu’n e. Accepted ko na, so matagal na akong okay. Siya yung parang bigla na lang uy sorry. He was really sorry about it.”

At sa tanong na, “Did Iñigo break your heart?” diretsong sagot ni Maris, “Yes.” Pero aniya, wala ng issue sa kanya yun kaya kalma lang daw ang mga fans nila ng anak ni Piolo Pascual.

“Guys, okay na ako. Wala na yun, past na yun,” chika ni Maris kasabay ng pagdedenay na third party ang dahilan ng kanilang break-up. Desisyon daw talaga nila ni Iñigo ang mag-chilax muna sa mga bagay-bagay at mag-focus muna sa kani-kanilang career.

Read more...