Willie 'nag-guest' sa Showtime, wish ng TNT contestant tinupad | Bandera

Willie ‘nag-guest’ sa Showtime, wish ng TNT contestant tinupad

Ervin Santiago - June 05, 2019 - 12:05 AM

TUWANG-TUWA ang madlang pipol nang muli nilang narinig ang boses ng TV host-comedian na si Willie Revillame sa ABS-CBN.

Makalipas nga ang halos siyam na taon, napakinggan uli ng mga Kapamilya viewers si Willie sa nakaraang episode ng It’s Showtime.

Ang nasabing noontime show ang napapanood ngayon sa timeslot ng dating programa ni Willie na Wowowee sa ABS-CBN.

Naganap ang “guesting” ng TV host sa Showtime nang tawagan siya ng Tawag ng Tanghalan hurado na si Ogie Alcasid para personal na makausap nina Vice Ganda at Mariel Rodriguez pati na ng TNT contestant.

Biglang napag-usapan nina Vice at Mariel si Willie dahil sa halip na It’s Showtime, muntikan nang mabanggit ng TNT contestant na si Clyde Borongan ang programa ni Willie sa GMA 7 na Wowowin.

Gusto kasing regaluhan ni Clyde ang anak niyang lalaki ng drone kaya sinabihan siya ni Vice na manawagan kay Willie dahil baka nanonood ito sa kanila. At dito na nga tinawagan ni Ogie ang komedyante.

Live via phonepatch, nakipag-usap nga sina Vice at Mariel kay Willie. Unang hirit na biro ng TV host, “Vice, Ogie, ipaalaala mo lang na dati kong timeslot ‘yan na kinuha niyo.”

Tawa naman nang tawa sina Mariel at Vice hanggang sa sabihin na nga nila ang tunay na pakay ni Ogie sa pagtawag sa kanya. Agad namang umoo si Willie na bigyan ng drone si Clyde na siya ring itinanghal na daily winner ng Tawag ng Tanghalan.

Sa huling mensahe ni Willie, sinabi nitong, “Puwede ba akong mag-guest diyan?” na sinagot naman ni Vice ng, “Ay, oo, Kuya Will! Ngayon din, halika na!”

Pero hirit ni Willie, “Ha-hahaha! Huwag! Baka matanggal na naman ako. Lagi na lang akong natatanggal sa istasyon. Baka matanggal na naman ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot naman ng Unkabogable Star, “Huwag kang mag-alala, bago ka matanggal, kami muna!” na sinundan ng malakas na tawanan mula sa studio audience.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending