Heart laban kung laban sa Hollywood movie kahit sugat-sugat na

NAGKASUGAT-SUGAT ang kamay ni Heart Evangelista dahil sa maaaksyong eksena sa ginagawang international movie sa China.

Siyempre, hindi sanay ang Kapuso Sweetheart sa madudugong fight scenes kaya nasira ang nail polish na saad niya, “Hindi ko bet!”

Of course, deglamorized man siya sa tinatapos na international movie, fashionista pa rin naman ang dating niya.

Wala pa itong final title pero ibinalita nga ng aktres na nakagawa na siya ng ilang fight scenes habang nasa shooting. Ipinasilip pa nga ni Heart sa kaniyang Instagram followers ang natamong sugat mula sa isang eksena. Looking forward na ang fans at netizens na mapanood ang first international movie ni Heart kaya todo abang na sila sa updates tungkol dito.

At heto pa, natupad na rin ang pangarap ni Heart na maka-collaborate ang isang international brand ng beauty product.

Sa June 10 ang launching ng produkto at siguradong ibabandera iyan ni Mrs. Chiz Escudero sa kanyang Intagram Stories. Lahat naman ng mga mahahalagang ganap sa buhay ni Heart ay talagang isine-share niya sa kanyang fans.

Malapit na rin siyang mapanood sa bagong season ng StarStruck bilang isa sa judges along with Cherie Gil and Eat Bulaga Dabarkads Jose Manalo.

 

Read more...