MAG-AAPAT na taon na sa showbiz si Maine Mendoza pero ngayong ika-47 month niya, eh, nagpi-fiesta na ang kanyang fans sa Twitter.
Sa totoo lang, tanging ang fans ni Maine at fans ni Alden Richards ang masisipag na maglabas ng hashtag araw-araw para sa kanilang mahal na mahal na mga idolo.
In fairness naman, palaging nasa Top 10 trending topics ang mga pinate-trend nilang hashtag sa Twitter PH.
‘Yun nga lang, hindi na namin nakikita ang mga hashtag mula sa AlDub Nation. Dati kasi pati weeksary kapag araw ng Huwebes eh, nangunguna palagi ang official hashtag na gamit nila kaya medyo naninibago kami.
Sana’y ipagpatuloy lang nila ang pagsuporta sa AlDub lalo pa’t meron pa naman silang Eat Bulaga. Marami pa rin kasing AlDub fans ang nagdarasal at umaasa na one day ay muling magkasama ang dalawa sa isang project.
Pero napansin lang namin, ‘yung sinasabing fans nina Maine at Arjo Atayde ay never pang nagkaroon ng gamit na hashtag sa kanilang mga social media posts.