Jeepney sumalpok: 3 sugatan

TATLO katao ang sugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang jeepney sa gilid ng bundok sa Itogon, Benguet, nitong Lunes.

Dinala sa pagamutan sina Marilyn Madalang, 54; Jocelyn Parian, 34, guro; at Roxanne Nebaten, 36, para malunasan, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga, sa bahagi ng Baguio-Itogon road na sakop ng Upper Tram, Brgy. Ucab.

Minamaneho ni Lamberto Anacio, 51, ang jeep patungong Ucab proper nang mapansing di kumakagat ang preno, kaya isinalpok ang sasakyan sa gilid ng bundok, ayon sa ulat.

Pinayagan nang makauwi ang mga sugatan matapos malunasan. 

Read more...