Albayalde nasaktan din sa banat ni Tulfo vs DSWD Secretary Baustista

SINABI ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde na maging siya ay nasaktan sa mga banat ni Erwin Tulfo laban kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista.

“I’m a PMA-er (Philippine Military Academy alumnus), of course I was hurt na dahil na-drag yung whole PMA graduates sa sinabi niya. And of course, I’m the PNP chief and what will they (PMA alumni) think if I will not do something about it,” sabi ni Albayalde sa isang panayam ng CNN Philippines.

Ito’y matapos naman ang naging kontrobersiyal na pahayag ni Tulfo sa kanyang programa sa radyo matapos hindi paunlakan ang hiniling na panayam.

“Ano naman din yung masabi sa akin? So I have to do also my responsibility, not only as the chief of the PNP but also as a PMA-er,” ayon pa kay Albayalde.

Sa kanyang pagbatikos, sinabi ni Tulfo na sasampalin si Bautista at tinawag pang ‘buang’.

Sinabi naman ni Albayalde na maaari namang maibalik ang police escort na tinanggal sa magkakapatid na Tulfo matapos na humingi ng sorry si Erwin.

“There is, there’s a chance, yes,” Albayalde answered.

Read more...