Joshua, Julia pinatunayang hindi naghiwalay dahil kay Gerald

 

JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO

MULING pinatunayan nina Joshua Garcia at Julia Barretto na isang “fake news” ang naglabasang tsismis na hiwalay na sila.

Tulad ng sinabi ni Joshua sa isang interview, totoong naghiwalay na sila ni Julia, pero sa mga projects lang daw nila ‘yun at hindi sa kanilang relasyon bilang magdyowa.

Siyempre, ikinatuwa ito ng JoshLia fans na hindi rin naniwala sa kumalat na chika.

Nitong nakaraang weekend, pinatunayan ng magdyowa na okay na okay pa rin ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng mga litratong ipinost ng award-winning director na si Mikhail Red.

Siya ang direktor ng upcoming suspense-horror movie ng JoshLia na “Block Z.” Sa kanyang Instagram page, makikita sina Joshua at Julia na magkatabi habang kumakain kasama si Direk Mik at iba pang cast ng “Block Z” kabilang na sina Dimples Romana at Maris Racal.

Kung matatandaan, kumalat ang chika na nag-break na raw sina Joshua at Julia matapos daw magselos ang binata sa kissing scene ng kanyang GF at ni Gerald Anderson sa pelikula.

Mas lalo pang uminit ang issue nang mag-guest si Julia sa isang episode ng vlog ni Erich Gonzales kung saan iniwasan ng dalaga ang tanong kung “in love” ba siya ngayon.

Read more...