Jennylyn-Dingdong magtatambal sa ‘Descendants Of The Sun’

JENNYLYN MERCADO DINGDONG DANTES

SUNOD-SUNOD raw ang magiging project ni Jennylyn Something dahil kapag natsugi na ang latest soap nito with Gabby Concepcion ay makakasama naman nito si Dingdong Something sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Descendants of the Sun.

Ang chika, makakasama rin si Jennylyn sa latest reality search ng GMA 7, the number two network in the land.
With that, napansin ng netizens na tila wala ng ibang artista itong GMA. Parang favored artist ang starlet na si Jennylyn. With that, na-bash tuloy ang aktres.

“FLOP STAR from Little Star to My Faithful Husband to My Love From the Star to The Cure to Love You Two. Wala ng matinong serye nagawa si Jennylyn sayang lang acting career.”
“Sayang tong si Jennylyn nasa walang wentang network lang kase.”
“Wala na bang artista sa GMA kaya ibinigay na lahat sa kanya ang mga shows???”
“Yes kahit magkukuba man sya sa work pero bakit Starlet pa rin sya?”
“Wala na po bang ibang kilalang artista sa GMA maliban kay Jennylyn? Dati nung si Angel Locsin pinakasikat sa GMA sya at sya lang lagi ang may project. Nung nawala si Angel pumalit si Marian Rivera yun at yun lang din ang laging nabibigyan ng big break at yung iba nakakalimutan na.
“And now it’s Jennylyn’s turn! Nyahahaha! Wala na, GMA naka focus lang talaga sa kung sino ang sikat sa kanila. At yung iba pa extra extra na lang.”
But one netizen defended naman Jennylyn and said, “Ano bang problema kung sunud sunod projects ni Jen? Magaling kasi sya lahat ng role kaya niyang gampanan. Unlike the other actresses na wala naman talagang talent. And she’s the Ultimate Star, remember?”

Read more...