KILIG-KILIGAN ang mga Pinay sa San Diego, California nang mag-perform si Tom Rodriguez sa Kimball Park para sa selebrasyon ng Philippine Independence Day nitong nakaraang araw.
Hindi matigil ang hiyawan ng crowd habang kinakanta ni Tom ang “Hinahap-hanap Kita” base sa napanood naming video post ng manager niyang si Popoy Caritativo.
Non-stop din ang pagkuha ng pictures kay Tom ng mga kababayan nating doon kaya nataranta rin ang security staff sa venue sa pagbabantay ng mga taong lumalapit kay Tom.
Break muna sa taping ng Dragon Lady ang Kapuso hunk actor dahil sa nasabing out of the country show at sinamantala rin ito ng leading lady niya sa serye na si Janine Gutierrez na nasa New York City naman kung saan talagang rumampa siya nang rumampa after ng event ng isang kaibigan na kanyang pinuntahan.