Female celeb bagong Patola Queen, sabog na sabog sa socmed

KALAT na kalat ang kuwento sa isang malaking network ang pagiging pac-kage deal ngayon ng magkapatid na aktres. Parang anino ng mas nakatatandang female personality ang kanyang sister.

Marami kunong dahilan kung bakit. Matutok ang kanilang ina, palaging nakabulong agad sa mga ehekutibo, na kapag may bagong proyekto ang ate ay kailangang nandu’n din ang bunso.

Kuwento ng aming source, “Kasi naman, binigyan na ng chance ang mas batang girl, pero ano ba ang nangyari? Waley! Hindi naman nagre-rate ang mga shows na kasama siya!

“So, naisip ng mommy nila na ganito na lang. Kapag may bagong project si ate, isama na rin si bunso,” umpisang chika ng aming impormante.

Hindi kagandahan ang imahe ng magkapatid. Maraming pumapansin sa kanilang ugali na walang ka-PR-PR. Palagi rin silang nakasimangot. Mahirap kapain ang kanilang mood.

Patuloy ng aming source, “Lalo na ‘yung mas younger na taklesa, kung makaasta siya, e, para bang marami na siyang napatunayan! Ano na ba naman ang maipagmamalaki niya?

“’Yung pabara-bara niyang kilos at pagsasalita, kaya paborito siyang kalipumpunan ng mga bashers? Iba rin ang girl na ‘yun, feeling siyang masyado!

“Akala mo naman alam na niya ang lahat kung makapagsalita siya. ‘Yun, alam na nga niya ang lahat, kaya ano’ng nangyari sa kanya? Sumasabog sa social media ang pangalan niya!

“Masyado kasi siyang patolah! Very busy siya sa pagsagut-sagot sa mga bashers niya! Wala siyang pinalalampas, palagi siyang may kuda, kaya ‘yun ang nangyayari sa kanya!

“’Yung ate naman, e, parang may sariling mundo. Palaging parang pagod na pagod at puyat. Parang wala siyang kagana-gana sa buhay. Pero kahit ganu’n naman ang isang ‘yun, kapag isinalang na siya sa harap ng mga camera, e, magaling!

“Kailangan pa ba naman ng clue, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio? Bigay na bigay na kung sinu-sino sila, halos isubo na sa inyo!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Read more...