Sey ng anak ni Rina Reyes: ‘Ma, grabe! Ang landi mo dati!’

MASARAP kausap ang Star Magic Circle 2019 member na si Sophie Reyes. Nakapag-aral na kasi ng kolehiyo ang 20-year old daughter ng dating Seiko Films star na si Rina Reyes.

But in fairness to Rina, image lang ang paseksi noon pero hindi naman talaga siya nag-bare ng kanyang skin sa big screen.

“Minsan po nagpi-play siya sa PBO (cable channel). So, nakikita ko po. Tapos binibidyuhan ko, sini-share ko. Tapos sasabihin ko sa kanya, ‘Ma, grabe. Ang landi mo dati.’ But of course, it’s just a role,” sabay tawa ni Sophie.

NR (no reaction) si Sophie kapag may tumatawag sa kanyang mommy na sexy actress.

“Wala naman po, kasi alam ko naman po sexy si mommy, e. Very supportive naman po ako sa mom ko. Kaya kahit ano pa ‘yung mga ginawa niyang movies noon, okey lang po sa akin,” ngiti ni Sophie.

Naalala ng dalaga nu’ng bata pa siya, hindi raw niya naiintindihan ‘yung mga nangyayari kapag napapanood niya ang pelikula ng nanay niya. That time gusto na raw mag-artista ni Sophie.

“Actually, niluwal pa lang ako gusto ko nang mag-artista. Ha-hahaha! Ano po, kasi nakikita ko talaga sa kanila mom ‘yung ginagawa nila and, lagi nila akong bitbit sa taping. So, lagi ko silang ginagaya. Instead na, ‘yung ibang bata sa taping naglalaro sila, ako pinapanood ko sila, ginagaya ko sila,” pahayag ni Sophie.

Sa mga ‘di nakakaalam, apo si Rina ng isa sa major contract stars ng Sampaguita Pictures noon na si Pa-raluman. At ang theater actress na si Baby O’Brien ang anak ni Paraluman na mother naman ni Rina.

Kaya si Sophie ang ikaapat na henerasyon sa pamilya niya ang nag-join sa showbiz.

“Pinaka-nasa memory ko po na teleserye ni mommy ‘yung Recuerdo de Amor. Tapos ginagaya ko palagi si Tita Isabel Rivas, oo. Favorite ko po sa show si Tita Isabel po kasi gusto kong maging kontrabida,” lahad pa niya.

Hindi pa nakalabas sa anumang teleserye si Sophie. Pero marami na siyang nagawang stage play. Naging part siya ng musical play na “Sound of Music,” “Magsimula Ka” and “Sleeping Beauty.”

Tulad ng kanyang ina, kumakanta rin si Sophie. Dahil sa talent niyang ‘yan kaya naging scholar siya ng St. Benilde si Sophie. She finished her Multimedia Arts course as a scholar.

“Nag-try po ako mag-Star Magic before. Pero siguro po hindi pa time noon. So, ang dami ko po talagang failures. Nu’ng first year high school po ako nag-go see na ako. Sinabi po ni Mr. M (Johnny Ma-nahan) sa mom ko parang hindi pa ako ready. Mag-train daw muna, ganoon. So, tinanggap ko po ‘yun. Tapos nu’ng gumradweyt ako ng college, sumakto po ‘yung timing,” sabi pa ng dalaga.

Feeling pressured siyempre si Sophie sa pagpasok niya sa showbiz because of her “lolas” and mom, “Pero ginagamit ko na lang siya na inspiration and motivation. Kasi sila mommy naman po very supportive. Si Lola (Paraluman) po kasi we live po in their house, sa SanLo (San Lorenzo). So, ‘yung routine po namin is pagkauwi ko sa school manonood kami ng teleserye. Tapos kakain kami ng candy. Tapos ima-massage ko ang feet niya.”

Maganda pa rin daw si Paraluman kahit may edad na ayon kay Sophie, “Opo, as in wala siyang wrinkles. May secret siya. Pond’s cold cream. As in yun lang talaga. One time nag-screening sa CCP ‘yung old movie niya. Doon ko siya napanood at ang ganda-ganda niya.”

Kaya kapag naririnig daw niya ang kanta ng Eraserheads na may linyang “kamukha mo si Paraluman,” naa-amaze pa rin siya, “Nu’ng first time ko siyang narinig, grabe! Hindi ko ma-imagine na lola ko siya.”

May younger sister si Sophie who is only 18 years old. Sad to say, bata pa lang sila ay namatay na ang daddy nila na si Ian Reyes.

“When my dad died, turning nine po ako, sobrang bigat po sa akin. After noon po kasi financially nag-downhill kami. Pero mas na-strengthen naman po ang relationship namin. Marami din po kaming natutunan sa nangyari,” aniya.

Mukhang magiging effective na character actress si Sophie dahil sa rami ng kanyang paghuhugutan, huh.

Read more...