Sarah babalik bilang coach sa The Voice Kids Season 4

CONFIRMED! Sa pagbabalik ng reality singing competition na The Voice sa ABS-CBN, magbabalik din bilang coach si Sarah Geronimo.

Last week, inihayag na ng Kapamilya Network ang magaganap na auditions para sa The Voice sa pamamagitan ng official social media accounts ng show.

At sa nakaraang panayam nga ng ABS-CBN sa Pop Royalty kinumpirma rin nito na babalik na siya bilang coach ng bagong season ng The Voice Kids (season 4).

“Abangan n’yo po, magkakaroon ng another season ang The Voice Kids this year. Yes po (babalik ako as a coach),” ang pahayag ni Sarah sa nasabing panayam.

Si Sarah ay isa sa apat na original judges ng The Voice along with Lea Salonga, Bamboo at Apl.de.Ap. Pero noong 2016, pinalitan ni Megastar Sharon Cuneta ang Pop Superstar para sa season 3 ng top-rating singing competition sa TV.

Samantala, bukod sa pagbabalik bilang coach sa The Voice, may bagong pelikulang gagawin si Sarah under Viva Films na may working title na “Unforgettable” na ididirek ni Jun Lana.

“It’s very different. It’s very challenging for me. Akala mo madali pero very challenging nung ito na mag-sa-start na kami.

“Kailangan magawa ng maayos so ayun. It’s a surprise. Sana po ay abangan po ninyo,” pahayag pa ni Sarah sa nasabing panayam.

Read more...