BINALIKAN ng Kapamilya teen singer-actor na si Darren Espanto ang araw na naging saksi sa napakalaking pagbabago sa kanyang buhay.
Limang taon na ang nakararaan mula nang mag-audition siya sa Kapamilya reality singing search na The Voice Kids. Hindi man siya ang nagwagi sa contest, nabigyan pa rin siya ng chance na matupad ang kanyang pangarap na maging performer.
Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Darren ang video ng kanyang The Voice Kids audition na umere sa ABS-CBN limang taon na ang nakararaan.
“Back then, I didn’t know how much of an impact it would make to my life. Fast forward to today and here I am living my dream,” aniya sa caption.
Simula nga noon, nagsunud-sunod na ang kanyang projects sa Kapamilya Network hanggang sa mabigyan na nga ng kaliwa’t kanang award.
Nitong nakaraang taon, nabigyan din siya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang talento sa pag-arte nang makasama sa blockbuster hit at record-breaking movie na “The Hows Of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Nagpasalamat din si Darren sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon, lalo na sa kanyang fans na nagmamahal at nagtatanggol sa kanya sa mga bashers.
“THANK YOU for STAYING with me. Thank you for the sleepless nights you guys put in to vote for me whenever I am nominated.
“For spending your hard earned money on tickets to my shows that you could have used for yourself. For traveling from far places just to see me perform. For defending me always,” pahayag ng binata.
Pagpapatuloy pa niya, “I appreciate each and every one of you and I couldn’t ask for more. Grabe, thank you for making my dreams a reality!
“Y’all inspire me to do better. I don’t know what I did to deserve all your love,” aniya pa.