Negosyante patay matapos pagbabarilin sa QC


NASAWI ang isang negosyante na pinagbabaril sa Quezon City kaninang umaga.

Si Hanson Maranan, 44, ay nagtamo ng mga tama ng bala na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Nagtitinda ang biktima ng sibuyas at saging sa kanyang stall sa labas ng Puregold Cloverleaf sa Balintawak alas-7:20 ng umaga ng dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Pinagbabaril ng mga suspek ang biktima at agad na tumakas.

Walong basyo ng bala ang narekober ng pulisya sa crime scene.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay. Wala namang masabing dahilan ang mga kaanak ng biktima na maaaring dahilan ng pagpatay dito.

Read more...