“AKO ang may kasalanan, sa akin kayo magalit!”
Yan ang malalim na hugot ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino na pinagpipiyestahan ngayon ng madlang pipol sa social media.
Ang feeling ng kanyang fans and followers, ito ang sagot ni Carlo sa lahat ng mga nangnenega at nambabastos sa kanyang rumored model girlfriend na si Trina Candaza.
Si Trina ang sinasabing dahilan kung bakit napurnada ang dapat sana’y reconciliation at balikan nina Carlo at Angelica Panganiban na balitang pinaasa lang daw ng aktor.
Si Trina ang babaeng kasama ni Carlo sa viral photo habang nagdye- jet ski. At nang kumalat ang nasabing photo, balitang nagsimula na ring masira ang relasyon nina Carlo at Angelica.
Sa kanyang Instagram post, nag-sorry si Carlo sa mga taong nasaktan niya, “Walang ibang may kasalanan kundi ako. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Kung magagalit kayo. Sa akin kayo magalit. Hindi sa ibang tao.
“Hindi kay Trina kay Mets kay Josh o kay Khang. Sa akin. Dahil ako ang nagdesisyon. Huwag niyo na po idamay ang ibang tao dahil wala silang kasalanan.
“Lahat ng galit niyo tatanggapin ko pero huwag niyo na lang ipasa sa ibang tao dahil wala silang ginawa,” pahayag pa ng aktor.
Hindi man diretsong sinabi ni Carlo, naniniwala ang mga netizens na ang kanyang mensahe ay para sa mga fans nila ni Angelica na umasang magkakabalikan pa sila. Pero nagalit nga ang mga ito nang mabalitang pinaasa lang niya ang dalaga dahil may girlfriend na pala siya.
Magkakaiba naman ang reaksyon ng mga fans sa bagong drama ni Carlo. May nagsasabing super delayed naman ng kanyang sagot dahil lumang-luma na ang issue at baka gusto lang nitong magpapansin.
May nagkomento naman na kung talagang handa siya na mabatikos dapat daw ay naka-on na ang comment section sa IG niya para maiparating sa kanya ang saloobin ng CarGel fans.
“CARLO AQUINO- Kung talagang gusto mong sayo magalit ang fans, maiparating sayo ang disappointments and frustrations nila- bakit dika pa rin nagpapa- comment sa IG mo? Bakit dika pa rin nag aactivate ng twitter mo? Wag kami!! Sanay na sanay na ‘to sa lokohan oi!” ayon sa isang netizen.
“For the nth time, CARLO AQUINO IS CANCELLEDT!” chika naman ng isa pa.
“Iba ba calendar netong si Carlo Aquino? Like the issue has been going for how many months na, ngayon lang naisipan mag sorry? Ay oo nga pala may niluluto for July, beke sakaling matuloy, beke maperahan niya ulit. beke may mauto pang mangilan ngilan,” hirit naman ng isa niyang follower sa IG.