NIYANIG ng magnitude 4.0 lindol ang Surigao del Sur, samantalang naitala naman ang magnitude 3.2 sa Ilocos Norte, ngayong araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol ala-1:14 ng umaga.
Ang epicenter ng lindol ay 64 kilometro sa silangan ng Lingig. May lalim itong walong kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate.
Samantala, sinabi ng Philvocs na niyanig ng magnitude 3.2 lindol ang Ilocos Norte ala-1:07 ng hapon.
Ang epicenter ng lindol ay 19 kilometro sa silangan ng Pagudpud. May lalim itong 24 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II sa Pasuquin, Ilocos Norte at Claveria, Cagayan.
MOST READ
LATEST STORIES