7 sugatan sa pagsabog ng tangke ng LPG sa Sampaloc, Maynila

SUGATAN ang pito katao, kabilang na ang tatlong-ayos na batang lalaki matapos sumabog ang isang may tagas na  liquefied petroleum gas (LPG) sa loob ng isang establisyemento sa Sampaloc, Maynila, Linggo ng umaga.

Kabilang sa isinugod sa ospital dahil sa mga bahagyang pinsala ay sina Marilyn Parreño, 57; Shiley Villarazo, 47; Merliza Defeo, 42; Raeniel Garcia, 37; Live Espino, 28; Jeffrey Hernandez, 28; at Mark Joseph Macabale 3.

Ayon sa mga otoridad, agad na dinala ang mga nasugatan sa Mary Chiles General Hospital matapos ang pagsabog.

Base sa imbestigasyon ng Manila Police District, nangyari ang pagsabog sa  Yogurt and Tea House sa kahabaan ng Dalupan st. Sampaloc, ganap na alas-8:10 ng umaga. 

Sinabi ng mga otoridad na sumisingaw na tangke ng LPG ang sanhi ng pagsabog.

Itinanggi na ng mga pulis na bomba ang naging sanhi ng pagsabog matapos namang walang nakitang bahagi ng improvised explosive device. Inquirer.net

Read more...