Loisa umamin, nagka-crush sa yumaong OPM icon

LOISA ANDALIO

Childhood crush pala ng Kapamilya young actress na si Loisa Andalio ang yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

She was asked kasi sa isang interview kung nagkagusto na ba siya sa kanyang teacher of sa taong mas matanda sa kanya.

“Sa teacher hindi pa (nagka-crush) pero nu’ng bata ako, crush ko si Francis M. Tapos nu’ng napanood ko siya sabi ko, ‘ang pogi-pogi niya,'” ang kinikilig pang pahayag ni Loisa.

Sa bago niyang digital series na Past Present Perfect na mapapanood sa iWant ay ginagampanan niya ang estudyante na nagka-crush sa kanyang teacher to be played by Vin Abrenica.

Nang tanungin kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho sa kanyang future projects, ito ang tugon ng dalaga, “Gusto ko, Robin Padilla. Kasi sobrang angas niya, tsaka idol kasi siya ni Ronnie (Alonte, her boyfriend).”

“Sa babae naman, si Miss Dawn Zulueta. Kasi nu’ng nakita ko siya, sobra akong na-starstruck sa kanya,” aniya.

Read more...