Kris Bernal todo training para sa ‘Haunted Wife’

KRIS BERNAL

The Haunted Wife ang title ng bagong series ni Kris Bernal kasama sina Rayver Cruz, Megan Young at Kim Domingo.

Katulad ng mga nakaraang serye ni Kris sa GMA like Impostora at Asawa Ko, Karibal Ko, sasalang na naman ang dalaga sa mga eksenang emotionally at physically draining dahil nga suspense-thriller ang tema ng programa.

Kaya naman si Kris, hindi puwedeng tamarin sa kanyang daily workout habang hindi pa nagsisimula ang taping para makapag-ipon siya ng energy.

Sa latest Instagram post ng StarStruck winner, ipinasilip niya sa kanyang mga followers ang ginagawa niyang workout routine.

“I will probably always be lazy, but I am still fit and healthy. 4% of my day, 2x a week, all good!” caption ni Kris sa kanyang IG post.

Read more...