Heart sugatan sa shooting: Ang violent, di ko bet

HEART EVANGELISTA

Hindi umubra ang pagkakikay at pagkasosyal ng Kapuso actress na si Heart Evangelista sa Hollywood action movie na ginagawa niya ngayon.

Kilala natin si Heart na super vain at sossy, mula sa kanyang buhok, skin, pananamit hanggang sa kanyang well-groomed and manicured nails.

Pero dahil nga nagpapaka-action star ngayon sa bago niyang international project, dedma muna siya sa kanyang itsura.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Heart ang mga litrato kung saan makikita ang kanyang daliri na may bandage.

Sa isa pang litrato, ang dumi-dumi ng kanyang mga kamay with matching sugat pa. Caption niya, “First time to be this violent… ‘di ko bet. Hindi maganda sa pictures.”

Read more...