Bossing ng Star Cinema naiyak kay Alden: Para sa ‘yo talaga ang role, napakahusay!

ALDEN RICHARDS

NAGBUBUNYI ang fans ni Alden Richards dahil sa sunud-sunod na tweets ni Roxy Liquigan ng Star Cinema kaugnay ng performance nito sa movie nila ni Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye.”

Unang tweet ni Roxy, “Congratulations Kathryn and Alden…One of the best Star Cinema movies I have seen.”

Naiyak nga raw siya habang pinanood ang unang pagsasama nina Kath at Alden sa movie, lalo na sa madadramang eksena.

Komento pa niya sa akting ng Pambansang Bae sa nasabing pelikula, “Alden, para sa yo talaga ang role. Napakahusay.”

Kaya naman ang mga patuloy na nagmamahal kay Alden, todo-retweet sa mga pasabog na post ni Roxy dahil sa mga ibinandera nitong papuri sa kanilang idolo. Hinding-hindi raw nila makakalimutan ang pagpapahalagang ibinigay ng Star Cinema kay Alden.

Samantala, nagbukas naman kahapon ang bagong branch ng food chain ni Maine Mendoza sa Bulacan at sinuportahan din siya ng kanyang pamilya, kaibigan at fans.

Kung hindi kami nagkakamali, ito na ang ikatlong franchise na nabili ni Meng mula sa mga kinita niya sa showbiz.

Read more...